| |
SINO
ANG MUSLIM ?
|
|
|
|
| Marami
ang nag-aakala na ang Muslim ay isang taong isinilang
mula sa mga magulang na Muslim, o di kaya, isang taong
isinilang sa bansang Muslim. Ang lahi, kulay, tribo,
angkan, o pangalan ay hindi mga batayan upang ang isang
tao ay matawag na Muslim.
Ang Muslim ay ang nilikha ng
Allah na Sumusunod, Sumusuko at Tumatalima sa Kanyang
mga kautusan. Sa katunayan, hindi lamang tao ang
matatawag na Muslim. Maging ang lahat na nilikha ng
Allah bukod pa sa tao (katulad ng mga bituin sa
kalangitan, ang araw at ang hangin) ay maituturing na
Muslim, sapagkat silang lahat ay mga nilikha na
sumusunod sa likas na batas na inilagay ng Allah sa
kalikasan.
Isang kamalian at hindi
kailanman matatanggap ng mga Muslim na tawagin silang
mga “ Muhammedan ”, sapagkat ito ay nagbibigay
kahulugan ng pagsamba kay Propeta Muhammad (sumakanya
nawa ang kapayapaan). Ang Islam ay hindi kailanman
nagtuturo ng pagsamba sa Propeta o anumang nilikha
lamang ng Allah. Bagkus, ito ay naghihikayat sa tao na
sumamba lamang sa tangi at nag-iisang Allah, at
nagbabawal sa anumang uri ng pagsamba na iniuukol sa
nilikha.
|
|