Original written in English by Bro.
Jalaludeen and posted as : How
Many? at http://www.geocities.com/Athens/Delphi/2571/relig003.htm
translated into tagalog by Bro. Omar Gonzales
Kawili-wiling
pagnilay-nilayin ang hindi maiwasang katotohanan na kung
may maraming Relihiyon, samakatwid, marami rin ang mga
Lumikha o mga dakilang lakas na tila nakakaimplwensiya
lamang sa kanyang mga mananampalataya.
Kung ating ipalagay ang
punto ng Ateista, na naniniwala na wala naman talagang
Lumikha o kung ating ipalagay ang makaagham na pagtingin
tungkol sa "Big Bang" na naging sanhi upang
tayo ay mabuo ng unti-unti at maging tao, hayop at iba
pa. Tunay na dadalhin tayo ng mga palagay na ito sa
isang salungat na direksiyon sa kung anong naihayag sa
mga kasulatan. Paguusapan natin ito mamaya sa Kabanata
ng Big Bang, sa ngayon ating talakayin kung ilan, ayon
sa mga kasulatan, na nagkataong nagpapahayag ng mga
bagay na hindi halos naiisip ng tao noong siya ay
ipinaglilihi.
Una sa lahat, ito ay tunay
na napakahirap na kalagayan para sa mga taga-sunod ng
bawat kulto, kung, ang lumikha ng kultong iyon ay
kokontrahin ang iba. Sa ibang salita, kung ang isang
lumikha ay susubukang makapangyari sa iba. Hindi natin
maisip sa kung anong hirap ang ating titiisin ng dahil
sa ating alyansa sa isang tanging relihiyon. Hindi
kailangang maging relihiyoso ang isa upang maunawaan ito.
Subalit muli, ito ay
katawa-tawang isipin, na ang lahat ng manlilikhang ito
ay nabubuhay ng samasama at nagagawa nilang pigilan
lamang ang kultong iyon o ang relihiyong iyon na kung
saan sila ay sinasamba. Dapat nating ipalagay dito ang
ateista, na walang manlilikha o katulad ng inihihimatong
nila.
Kaya, kapag ating isinagawa
ang ating paninindigan na "Ang katotohanan ay
maliwanag ang litaw sa kamalian ", maliwanag nating
mahihinuha na, dapat meroon lang ISANG LUMIKHA, na
lumikha sa lahat ng sangkatauhan at ganoon din sa lahat
ng uri ng may buhay na naninirahan dito sa planeta.
Maaari nating itatuwa pa, ang palagay na maraming
manlilikha kapag inihambing natin ang ating mga sarili,
tayo ay magkapareho sa ilalim ng ating mga balat.
Ang mga kaibahan natin sa
ating anyo, kinaugaliang gawi at mga pamamaraan ng
pakikipag-usap ay hindi nangangahulugan na tayo'y
magkaiba ng pinangalingan. Dahil dito maliwanag nating
makikita na tayo'y nilikha ng isang pinagmulan at
apektado tayo ng ating kinalalagyan at istilo ng buhay
ng higit pa sa kahit na anong bagay. Walang duda, ang
katanungan tungkol sa kung ilan, ay maghahatid lang sa
atin na tanggapin na, dapat meroon lang ISA at wala ng
iba.
Subalit bakit o papaano tayo
nagkaroon ng maraming relihiyon ? Kung tunay na meroon
lang talagang ISANG MANLILIKHA, siguradong bibigyan lang
tayo ng ating MANLILIKHA ng isang relihiyon at
pamamaraan sa buhay na ating isasagawa o tutupdin para
masunod ang KANYANG mga kagustuhan. Upang mapatunayan at
mausisa ang bagay na ito, ating tingnan ang karaniwang
kalatas na ibinibigay sa pinaka-karaniwan na
isinasagawang mga Relihiyon ng ating mundo.