Insight to Religions

 Islamic Directory Filipino Guide
        
 

 
 

 

Content

 

  Pagkain Para Sa Isipan.
   MALIWANAG NA PAGKAUNAWA SA MGA RELIHIYON
   Pagkilala Sa Mga Parehong Paniniwala
  Ilan ?
  Parehong Kalatas.
  Nag-iisa Lang.
  Big Bang ?
  ANO ANG ISLAM ?
  SINO ANG ALLAH ?
  SINO ANG MUSLIM ?
  SINO SI MUHAMMAD?
  ANO ANG BANAL NA QUR’AN ?
  History Of Islam in the Philippines
  HESUS anak ni MARIA
  Ang Mga Mahahalagang Aralin Para Sa Muslim Ummah
  ANG PAG-AASAWA SA ISLAM
  Testimoniya

Testimony of converts


  FREE, Yes FREE!!! Books & Qur'an
 
 
 
 
 Want to E-Mail Anyone?
 
   
 

Ang "Batas"

Original written by Bro. Jalaludeen in English and posted as : Common Message at http://www.geocities.com/Athens/Delphi/2571/relig004.htm and translated into tagalog by Bro. Omar Gonzales

 

Itong pagbabalik-aral ay ipinormat ayon sa balangkas ng panahon, mula sa pinakahuli hangang sa pinakamatandang kasulatan na alam ng tao: Isang taludtod lamang, na naglalarawan ng pangunahing diwa ng kalatas, ng bawat kasulatan ay pinaghahambing. (iba pang kasulatan na hindi nabangit sa listahang ito ay tunay na supling na relihiyon mula sa pagkakahalo ng isa o dalawa nitong mga nangingibabaw na kasulatan)


Islam: (Al-Qur'an 2:44) Ipinag-utos n'yo ba ang Tamang Paguugali sa mga tao at nalimutan (itong isagawa) ng inyong mga sarili ? Subalit pinagaaralan ninyo ang kasulatan ? (Batas). Hindi n'yo ba maiintindihan ?

Walang pinsala o sakitan (mga kawikaan ni Propeta Muhammad)

(Kasulatan: ipinahayag noong mga 632 A.D. sa salitang Arabik sa Gitnang Silangan, sa anyong aklat ng mga 640 A.D., hangga ngayon ay nasa kanyang orihinal na anyo at salita)


Kristianismo . (Ebanghelyo: Mateo 7:12) Kaya gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang kahulugan ng Kautusan ni Moises at ng turo ng mga propeta.

(Kasulatan: dapat nagsimula noong 30 A.D. sa Salitang Aramaik at Salitang Hebro sa Gitnang Silangan, subalit ipinalalagay na isinulat ng mga 130 A.D. sa Latin at Griego, wala o nawawala hanggang 325 A.D., ng iba't ibang kopya sa Griego at Latin ay nagsimulang lumabas at pinagsama-sama sa isang libro upang mabuo ang Bibliya.)


Budismo : (Udana-Varga 5:18) Huwag manakit ng iba sa mga paraan na ikaw mismo ay makikitang masakit ito.

(Kasulatan: Ang pinagmulan ay maaaring noong 480 B.C. sa India, subalit tinanggap, sinulat at isinagawa mula 3 B.C. ng isang pinuno ng estado sa India)


Confucianismo : (Lun Yu (mga piling sipi mula sa mga sinulat ng may-akda) 15:23) Meroon bang, isang sawikain, (Batas) na dapat tupdin sa buong buhay ng isang tao ? Tunay ito ay ang sawikain ng pagmamahal-kabutihan. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo.

(Kasulatan: Ang pinagmulan ay dapat noong mga 480 B.C. sa Tsina, subalit tinanggap lang at sinulat ng mga 140 B.C.)


Taoismo : (Tai Shang Kan Ying Pien) Ituring ang tinubo ng inyong kapitbahay na parang inyong tinubo at ang pagkalugi ng inyong kapitbahay na parang inyong pagkalugi.

(Kasulatan: Ang pinagmulat ay dapat noong 524 B.C., subalit tinanggap at sinamba pa bilang diyos noong mga 2 B.C.)


Judaismo :- (Vayikra Leviticus) 19:18) Mahalin mo ang iyong kapitbahay na parang sarili mo

(Talmud, Shabbat 3id) Ano mang kamuhi-muhi sa iyo huwag mong gawin sa iyong kapwa tao. Iyan ang buong Batas: ang lahat ng iba ay paliwanag

(Kasulatan: Ang pinagmulan ay dapat noong 1250 B.C., dapat nalimbag bago mag-ika 1 B.C., subalit nawawala noong mga 70 A.D., isinulat muli noong mga 200 A.D., ang kasalukuyang kopya ay noong 1008 A.D.)


Zoroastrianismo : (Dadisten -l-dinik 94:5) Ang katangian lang na iyon ay mabuti na pumipigil na gawin sa iba ang anuman na hindi mabuti sa sarili.

(Kasulatan: Ang pinagmulan ay pinaniniwalaan na noong mga 1200 hanggang 500 B.C. sa Persia, sinulat noong mga 5 hanggang 10 B.C.)


Hinduismo : (Mahabharata 5:1517) Ito ang kabuuan ng tungkulin (Batas): Huwag gawin sa iba, ang makasasakit sa inyo, kung gagawin sa inyo.

(Kasulatan: Pinaniniwalang nagsimula noong mga 2000 B.C. sa India, sinulat noong mga 1000 B.C. hanggang 800 B.C.)


Ang lahat ng mga bersong ito ay kataka-taka na magkakatulad, lahat sila ay nagbabangit ng isang batas at isang pamantayan na sinasabihan tayong isagawa sa pagitan natin. Hindi tayo sinasabihan nito na para lang sa natatanging nasyon, tribo o lahi ito katulad ng karamihan sa atin ay tila inaakala.

Bilang pangwakas, kahit na ang lahat ng bersong ito ay naihatid sa iba't ibang panahon sa iba't ibang mga nasyon sila ay magkapareho nga kalatas. Buhat ng ipinadala ang mga kasulatang ito sa iba't ibang tribo sa kani-kanilang inang dila, ang lahat ng sangkatauhan ay nagkaroon ng pagkakataon na maunawaan ang kanilang kahalagahan at mga kahulugan, maliwanag, wala na ngayong makatatangi sa pagkakaroon ng ating MANLILIKHA. At saka kailangan nating tandaan na ang lahat ng kasulatang ito ay inihatid ng isang piniling tao, na noong panahon ng kanyang buhay, ay hindi lubos na tinanggap o naunawaan bilang guro hanggang pagkaraan ng ilang henerasyon, ang kasalukuyang anyo ng pangangaral ay ipinalagay na nagsimula doon sa hinirang na tao o kanyang mga disipulo, na sa kasamaang-palad ay matagal ng namatay. Dagdag pa dito at tulad sa halos lahat ng mga pangyayari ang mga kasulatan ay hindi naisulat ng guro kundi naisaulo at naihatid ng pasalita sa gitna nila na piniling sumunod sa mga katuruan ng gurong iyon. Ang ganitong uri ng paghahatid, ayon sa ating kaalaman ay madaling pasamain ng sinasadya at hindi sinasadya at sa pagsulong ng mga henerasyon ay napakadaling magkaroon ng napakaraming pagdaragdag at hindi pagsasama. Ito ang malungkot na pangyayari sa halos lahat ng kasalukuyang mga kasulatan na nakaya nating suriin dito. Ang mga sumusunod na bahagi dito sa mga berso ay kailangang maitala: -

1. Ang mga berso ay nagsasabi sa atin ng tungkol sa Pagkakapantay-pantay at Tamang Asal na siyang pinakadiwa para sa isang mapayapang kapaligiran.

2. Ang mga berso ay nagsasabi sa atin ng tungkol sa Pagkakaisa, na maghahatid rin sa atin sa Kapayapaan.

3. Sila ay nagtuturo ng Kapatiran, na maghahatid sa pagkakaisa, na maghahatid sa Kapayapaan.

4. Pinapayuhan tayo na gamitin ang isang mapayapang pamamaraan ng buhay.

Ang salitang Kapayapaan sa Hebro ay "Shalom"

Ang salitang Kapayapaan sa Arabik ay "Salam".

Ang Tanging Kasulatang May-kinalaman sa relihiyon na nanatiling buo na walang anuman na pagbabago at nagawang maisulat ng guro at napagsama-sama at nagawang isang aklat ng kanyang mga tagasunod na tunay na kasama-sama niya ay ang Qur'an. Ang mga tagasunod nitong kasulatan ay isinasagawa ang "Islam", na kamangha-mangha ay nangangahulugan din ng ""Kapayapaan". Di tulad ng ibang relihiyon, ang pangalang "Islam" ay ibinigay sa kasulatan mismo.

Ang lahat ng mga naunang kasulatan ay nagpahiwatig ng Kapayapaan (ibig sabihin : Islam) at kagulat-gulat rin, halos lahat ay nagbangit ng tungkol sa Propetang darating, (isang ipinangako) na gagabay sa atin, sa "Kapayapaang ito".

Gayon nga, tayo ito, na humati sa ating mga sarili sa magkakaibang pananampalataya, dahil sa ating limitadong pang-unawa. Walang duda ang ating LUMIKHA ay binigyan lang tayo ng isang kalatas.

Ngayon ating galugarin kung alin ang Tanging Nag-iisa.

 
All knowledge belongs to Allah (swt) so copy as required!

 


FastCounter by bCentral 

Down Load FREE Noble Qur'an (2500 kb)

Other Filipino Muslim web site directory

Tagalog Filipino Maranao
Muslims in the Philippines We found Islamic Information Center
Maranao.com Mindanao Luwaran
Moro Jihad Bangsamoro Balik Islam
Halal magazine

Rahma

 
     

     

"Click" here to Vote for "Filipino Guide" in PinoyTop100

"Click" here to Vote for "Filipino Guide in Top100

Yehey! 
The Philippines' Largest Search Engine.

 

Select and Click to
The Best Philippines Site