Original written in English by Bro.
Jalaludeen and posted as "
Big Bang? http://www.geocities.com/Athens/Delphi/2571/relig006.htm
Translated into tagalog by Bro. Omar Gonzales
Kanina, aming binangit ang
tungkol sa mga pananaw ng Ateista (taong-walang Diyos)
at saka ang mga pang-agham na pananaw ng Ebulusyon
(evolution). Bagaman, mayroon tayong bahagyang duda
tungkol sa kung paano ang mga ganoong teoria ay nalagay
dito sa mga aral na isipan, tayo ay nagtataka kung bakit
hindi nila nagawang naipaliwanag or nabigong
pagnilay-nilayin kung ano ang maliwanag na nakaumbok sa
kanilang mga kamay at paa.
Bawa't isa sa ating
kasalukuyang henerasyon ay tila batid ang ating
kakayahan na gamitin ang ating sariling mga tatak ng
daliri bilang isang paraan ng identipikasyon sa pagitan
ng bawat isa, sapagkat, ito ay likas na walang-katulad.
Sa ngayon, ating nakita na kahit ang ating ngipin, mga
mata at saka kahit ang kayarian ng ating DNA ay
walang-katulad sa bawat tao. Ito ay tila di-karaniwan na
ang mga Siyentipiko, mga Ateista, mga Manipestayon, mga
pagkakatawang-tao at mga reenkarnasyon ay hindi nagawang
pag-isip-isipin sa kung bakit ganito ang pangyayari,
kung tayo ay nabubuo lang mula sa isang hugis tungo sa
ibang hugis. Sa ating kasalukuyang mga lipinan, ating
natagpuan na, ang tanging paraan upang mahawakan ang tao
na managot, ay sa pamamagitan una ng pagbibigay sa
kanila ng pagkakakilanlan, tulad ng numero, identity
card o pasaporte. Ngayon, dapat nating isipin kung sino
ang naglagay nitong paraan ng pagkakakilanlan sa atin.
Ang ano mang uri ng paraan
ng pagkakakilanlan na ating ma-imbento, ay karaniwan ng
maiwawaksi, subalit ang pagkakakilanlan na ito na ginawa
sa atin ay hindi matatangal o puwede ba ? Hey, ano ito,
meroon dapat isang paraan pang-agham na maalis itong
walang-katulad na hugis na mga linya sa ating mga kamay,
buweno, puwede nating subukan na alisin ang pang-ibabaw
na patong ng ating mga balat, (ikinalulungkot ko mga
kamag-anak, hindi uubra, ang mga guhit ay muling lumabas.
Sinubukan namin ito) siguro ay Plastic Surgery ! O
kaya'y pwede nating gamitin ang mga kemikal, upang
sunugin ito. May iba pang mga mungkahi, paki lang.
Mayday ! Mayday ! S.O.S. tinatawagan ang lahat ng
siyentipiko, mga ebulusyonista, mga ateista,
freethinkers at mga UFO din.
Oops ! Ikinalulungkot, hindi
kami ang may gusto na maalis ito subalit sila na hindi
matanggap na sila ay nalikha ng isang Lumikha, sapagkat
ito ay isang maliwanag na katibayan ng Kanyang pagiging
nariyan.
May nagbanggit ng pagputol !
Ikinalulungkot uli.
Humihingi kami ng paumanhin
sapagkat nalimutan namin ito, ang DNA na bagay, paano
natin maaalis iyan ? Huwang magalala. Nakuha namin ang
kasagutan, basta bumisita lang kayo sa ilalim (libreng
pribyu sa pahina 8) kapag tapos na kayo sa pahinang ito.
Hindi ba nila tinatanong ang
kanilang mga sarili kung bakit ? Kahit ang isang butil
ng dugo, o buhok ay mayroon kanyang pagkakakilanlan.
Hindi ba sila nagtataka sa kung SINO ang maaaring
naglagay at nag-monitor ng ganyang pamamaraan ng
pagkakakilanlan ? Hindi ba nila naiisip na sa
pamamagitan ng paraan na ito, bawat butil na pag-aari ng
isang tao ay maaaring masusog pabalik sa kanya at
maisauli sa orihinal na may-ari (kahit na siya ay patay
na, na-cremate at ang kanyang abo ay naikalat na sa
maraming lugar) ? Hindi ba nila nauunawaan na ang
ebolusyon ay mangangailangan pa rin ng isa na susubaybay
nitong paraan ng pagkakakilanlan ng sa ganoon ay hindi
ito muling maulit sa parehong henerasyon ?
Hindi ba nila napapansin na
ang paraan ng pagkakakilanlan ay umiiral sa lahat ng uri
ng buhay, kasama na ang mga dahon, mga hayop at kahit na
mga bato ?
Sa pamamagitan ng lohika,
kung maglalaan ka ng tamang gatong, magagawa mong
magsagawa ng walang pahinga. Subalit subukang kumain at
subukan mong panatiliing gising ang iyong sarili ng
walang tulog. Maliwanag kahit ang ating oras ng paggalaw
ay nahahati ng paghahalinhinan ng araw at gabi. Oras
para sa tao at oras para sa Jinns.
Dapat din nating tanggapin
ang ating mga limitasyon sa ating paningin, pangamoy at
ang iba ay kailangan pa nating maunawaan, ibig sabihin,
kahit ang isang hayop tulad ng aso ay mapapansin sa
kanyang dagdag na kakayahan na umamoy at makarinig at
kaiba ang tingin ng mga ahas sa mga bagay at sila ay
hindi nakakarinig. Kahit nagawa na nating makamtan ang
isang katangitangi na pagsibol sa pamamagitan ng natipon
na karunungan na nagawa nating mapaghambing sa pagdaan
ng mga henerasyon, palagi tayong pinaaalahanan at
tinutulungan ng isang ekstrang pinanggagalingan, na alam
sa katawagang tekniko na, ang ating konsiyensiya. At sa
lahat ng oras, itong konsiyensiya, ay inaakay lang tayo
sa Kabanalan. Paano nangyari ito ? O, ito ba ay isang
damdaming Big Bang ?
Nakakagulat din, halos lahat
ng ating mga natuklasan, ay lumabas mula sa isang
kabiguan o sakuna, bagaman, sa lahat ng mga natuklasan
ang tao ay palagi ng inaangkin ang kredito bilang
kanilang gawa, sa kailaliman, kailangan nilang tanggapin
na sila ay inihatid ng isang di-alam na pinagkukunan
upang magawa ang mga ganoong aktibidades, na naghatid sa
pagdebelop niyon.
Sa gayon, nagagalak kaming
ipaalam na ang pang-agham na teoriya ng pagsibol
(evolution), ay isang daan palabas at maaring sabihin na,
sila ay inililigaw ng masamang puwersa, na kalimitan
nating tinatawag na, parang demonyo, masama o dimonyo,
kahit dito ang agham ay nabigong isaalang-alang ang
tungkol sa pagkakaroon ng masamang puwersa, bakit ? At
paano sila nangyari ? Sa pamamagitan ng BIG BANG at Wala
! Mayroon tayo ng lahat nito. Hindi sinasadya, kailangan
pa nilang pahalagahan ang pagkakaroon ng magik o ilusyon,
gaya ni David Copperfield, na sabihin na…hindi ito
tunay, kundi ang ating mga mata ay labis na madadaya ng
ilusyon, ang paniwalaan na siya nga ay nakalilipad.
Pagkamangha, bakit, kapag
ang mundo ay umiikot, subalit tila hindi tayo apektado
ng kanyang pagkilos, ganoong alam natin na ang lahat ay
binubuo ng mga atom na palaging kumikilos, subalit ang
bawat konpigurasyon ay pinananatili pa rin ang kanyang
hugis. Hindi kaya mayroong isa na namamahala sa kanya ?
Bakit hindi ito mabuo sa ibang bagay pa ?
Ang mga kasagutan sa lahat
ng ito at higit pa, ay matatagpuan lamang sa isang
kasulatan. Oo, sa isang kasulatan lamang. Uli iyan ay
baka madama n'yo na may karapatan kayong makapamili,
buweno, kailangan naming iwanan kayo dito, sapagkat kung
saan ang inyong Lumikha ay may kinalalaman, wala tayong
karapatang makapamili.
Gawin nating madali ito sa
inyo. Tunay na katawa-tawa para sa isang palayok na
sabihan ang taga-gawa ng palayok kung ano ang gusto ng
palayok o ayaw ng palayok.
Hindi mo pa rin ba nakukuha
ito ? Buweno, basta mag-isip ka pang mabuti. Subalit
huwag kang magalala, ito ay padating (ang permanente
mong pagbibiyahe).
Oops ! halos nalimutan ang
tungkol sa bersong ito.
Qur'an, Al Anbiya (21:30)…
Hindi ba nakikita ng mga hindi naniniwala na ang mga
kalangitan at ang mundo ay pinagsama (bilang isang
bahagi ng paglikha), bago Namin biniyak sila ng
hiwa-hiwalay ? Ginawa Namin mula sa tubig ang bawat
bagay na may buhay. Hindi pa rin ba sila maniniwala ?
Ipalagay na nabuhay ka sa
panahon na ang rebelasyon na ito ay ipinahayag (o kahit
na sabihin na mga100 taon lang ang nakakaraan) sa
nakaugalian mo iyong itatangi, hahamunin o pabubulaanan
pa itong mga katanungan, hindi ba ? Ilarawan sa isip ang
ilang Arabo sa disyerto na kung saan ang tubig ay
mahirap, at sila ay dumating at sinabi sa iyo na higit
kang tubig kaysa akala mo, paniniwalaan mo ba siya ?
Kukurutin mo ang sarili mo o maglululundag ka
pataas-pababa pero hindi mo maririnig o madarama ang ano
mang tilamsik na nangyayari sa loob mo, dama o dinig mo
? At andoon ang baka sugatin mo pa ang sarili mo para
mapatunayan lang na mali siya, hindi ba ?
Nangangahulugan na mali ito, hindi ba ?
Subalit hintay, ilang
makabagong siyentipiko ng western world noong mga
seventies (1970 hindi 600 A.D.) ang tumanggap ng Nobel
prize dahil sa pagkumpirma sa kung anuman iyon na
nahayag mga 1419 na taon na ang nakakaraan. Ang
pinakabuod ng bagay na ito ay kahit na ang kasulatan ay
nagpahayag na tayo ay nilikha mula sa tubig, wala ni isa
ang nakagawa na mapatotohanan ito noong mga panahong
iyon. Kung hindi iyan sapat subukang ipantay ang Big
Bang doon sa biniyak ng hiwa-hiwalay na binangit sa
bersong ito. Ngayon, aling bahagi ng berso sa itaas ang
iyong tatanggihan at aling bahagi ang iyong tatanggapin
?
Hindi pumapasok ? Mas mabuti
pa, magpatuloy tayo doon sa susunod na paksa : Ang Ganap
!
Continued in English at