|
Ang Islam ay hindi
hinango sa pangalan ng tao, pook, tribo o ano mang bagay
na nilikha ng Diyos. Ito ay kaiba sa ibang relihiyon
sapagkat ang kanilang pangalan ay hinango sa mga
nilikhang bagay. Halimbawa : Ang Kristiyanismo ay
hinango sa katagang Kristo; Budhismo sa pangalan ni
Gautama Buddha; Hinduismo sa tribo ng Indes Valley sa
India; at Judaismo sa tribo ng Juda.
Ang Islam ay isang
katagang Arabik na hinango sa salitang ugat na “Salam”
na nangangahulugan ng Kapayapaan. Ito ay nangangahulugan
din ng Pagsunod, Pagsuko at Pagtalima sa kalooban ng
Tunay na Diyos. Ang tunay na kapayapaan ay nasa puso,
isip at kaluluwa na nagdudulot ng kapayapaan sa
kapaligiran at lipunan. Ang kapayapaan ay hindi
kailanman matatamo sa antas ng karunungan, kayamanan o
katanyagan. Bagkus ito ay matatamo lamang sa pamamagitan
ng ganap at tapat na Pagsunod, Pagsuko at Pagtalima sa
kalooban ng Nag-iisang Tunay na Diyos (Allah) - ang
likas na pananampalatayang ibinigay Niya sa sandaigdigan.
|